Duterte di nagulat sa ulat na napatay ang mag-asawang drug dealer mula sa Iloilo

By Chona Yu August 29, 2016 - 04:50 PM

Odicta
Photo: Ruel Perez

Hindi na nagulat ang pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakapatay sa mag asawang Melvin at Meriam Odicta.

Ang nasabing mag-asawa ay nauna nang nai-report na kabilang sa mga kilalang drug personalities sa Iloilo.

Sa pahayag ng pangulo mula sa Catbalogan Samar, sinabi ng nito na pinili kasi ng mag-asawang Odicta na pasukin ang mundo ng ilegal na droga.

Ayon sa pangulo, binibigyan ng mag-asawang Odicta ng drug money ang ilang mga tao kabilang na ang isang gobernador sa Visayas Region.

Dagdag ng pangulo, magulo na ang isip ng mga biktima at sila’y kinapos na ng swerte sa kanilang buhay.

Matatandaang, pinagbabaril ng dalawang suspek ang mag asawang odicta kaninang madaling araw sa Caticlan Port sa Aklan.

Nagsasagawa naman ng follow-up investigation ang mga pulis para kilalanin ang mga nasa likod ng pananambang.

TAGS: duterte, Illegal Drugs, odicta, duterte, Illegal Drugs, odicta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.