Traffic Management Office sa Cotabato City, pinasabog

By Mariel Cruz August 28, 2016 - 11:27 AM

cotabato cityPinasabog ang Traffic Management Office o TMO ng Cotabato City sa Barangay Poblacion 5 gabi ng Sabado.

Ayon sa Explosive and Ordinance Disposal unit ng Cotabato police, inilagay ng hindi pa nakikilang mga suspek ang bomba sa bubong ng opisina bandang alas siyete ng gabi.

Sa kabila ng malakas ang pagsabog, wala naman nasawi o nasugatan sa nasabing insidente.

Ayon naman kay Cotabato City Acting Mayor Cynthia Guiani Sayadi, posibleng pananakot lamang sa mga residente at otoridad na suportado ang kampanya ng lungsod laban sa ilegal na droga at kriminalidad ang isinagawang pagpapasabog.

Nabatid na ang pinasabog na opisina ay matatagpuan sa tabi ng isang police station kung saan talamak umano sa mga preso ang paggamit ng iligal na droga.

Matapos ang insidente, nagsagawa ng raid sa nasabing police station at nasamsam ang ilang drug paraphernalia, cellphone, lighter at DVD player.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.