Transport leader suki ng isang derma clinic-Wacky Leaks ni Den Macaranas

August 26, 2016 - 03:23 AM

 

den-macaranas1Sino ang magsasabing walang pakiaalam sa kanilang “looks” ang ilang mga kalalakihan lalo na kung sila’y nagkaka-edad na.

Ibahin nyo ang lider ng isang transport group na hanggang ngayong ay regular na bumibisita sa kanyang “derma”.

Ayon sa aking Cricket na driver ng isang pampublikong sasakyan, mayroon daw kakaibang bisyo ang lider ng kanilang grupo.

Mula sa kutis ng kanyang mukha hanggang sa kanyang kilay ay hindi raw siya nagpapabaya sa kanyang imahe sa publiko.

Bukod sa regular na pagbisita sa dermatologist ay kumpleto rin ang laman ng kanyang kikay kit.

Si Sir ay laging may dalang skin toner, facial cleanser, cotton balls and moisturizers.

Kapag may pagkakataon ay lagi siyang sumisimple sa CR para i-check kung may mali sa kanyang itsura.

Dati nang marami ang nakakapansin sa pagiging banidoso ng transport leader na ito na araw araw ay kasalamuha ng mga jeepney at UV Express drivers.

Pati sila ay naiilang dahil sa itsura ng ating bida na daig pa raw ang nagmumurang kamias.

Hindi tuloy nila alam kung talagang bisyo lang ni Sir ang magpa cute at magpapogi o siya ay isang closet queen.

Kung makikita ninyo sa publiko at TV interviews ay macho naman kahit paano ang dating ni Sir at prominente ang kanyang mamulamula at malasutlang kutis.

Kilala rin siyang ma-epal sa mga isyung may kinalaman sa kanilang sektor pero kung tutuusin ay okay na rin yun at least hindi naman nasayang ang pagme-maintain nya sa kanyang kutis dahil lagi siyang naisasalang sa mga TV interviews.

Ang transport leader na kilala rin sa tawag na “baby face” sa hanay ng mga driver at operator ng mga papumpublikong sasakyan ay si Mr. E…as in Ewwww.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.