Dalawang dating NBI officials na sinibak ni De Lima, may mga ebidensya laban sa senadora at sa driver niyang si Dayan

By Ricky Brozas August 25, 2016 - 01:13 PM

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo

Naniniwala si dating NBI deputy director Reynaldo Esmeralda sa mga akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-uugnay kay Senador Leila de Lima sa kalakaran ng ilegal na droga.

Si Esmeralda na dating deputy director for Intelligence ng NBI kasama si Dating NBI deputy director Ruel Lasala ay sinibak noong 2014 ni De Lima nang siya pa ang kalihim ng DOJ dahil napagbintangan na tipster ni Janet Lim Napoles, ang tinaguriang pork barrel queen.

Sa katunayan sinabi ni Esmeralda na dati pa nila ini-imbestigahan si De Lima pati na ang driver-lover nito na si Ronnie Dayan at may mga ibedensiya umano silang hawak at sa takdang panahon ay kanilang ilalabas.

Katwiran ni Esmeralda, hindi muna nila isiniwalat ang kaugnayan ni De Lima sa illegal drugs dahil malapit ang senadora kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

May mga ibedensiya din umano siya kung bakit inalis noon ni De Lima ang tinaguriang “Bilibid 19” sa New Bilibid Prisons at isinailalim sa kostudiya ng NBI maliban kay Jaybee Sebastian na naiwan sa piitan.

Batid din umano nila ang relasyon ng senadora kay Dayan, sa katunayan usap-usapan nga daw nila na kapag may gustong posisyon ang sinuman sa NBI ay si Dayan lamang ang kakausapin.

Matatandaang inilabas nina Esmeralda at Lasala ang CCTV footage habang magkasama ang dating asawa ni De Lima na si Atty. Plaridel Bohol at si Janet Lim Napoles sa NBI Headquarters noong 2013./ Ricky Brozas

Pagtatapos pa ni Esmeralda, dati silang magkaibigan ni De Lima subalit nagbago umano ang pakikitungo sa kanya nito nang mag-ambisyon na ang dating kalihim na pumasok sa pulitika.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.