2 PNP generals na sangkot sa droga kakasuhan na ng DILG

By Chona Yu August 22, 2016 - 04:22 PM

tinio-pagdilao
Inquirer file photo

May nakita nang matibay na ebidensya ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sampahan na ng kaso ang dalawa sa limang tinaguring mga “narco-generals”.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni DILG Secretary Ismael Sueno na ikinakasa na ang pagsasampa ng kaso laban kina dating NCRPO Director Joel Pagdilao at Chief Supt. Eduardo Tinio kaugnay sa pagkakasangkot ng mga ito sa ilegal na droga.

Una rito, idinawit ng pangulo sina Pagdilao, Tinio, C/Supt.Bernardo Diaz at mga dating Generals na sina Vicente Loot at Marcelo Garbo na umano’y mga protektor ng mga drug lord sa bansa.

Ayon kay Sueno, may hawak na rin silang ebiensya laban kay Diaz.

Para naman kay Loot na ngayon ay mayor na ng bayan ng Daanbantayan, Cebu, sinabi ni Sueno na inalis na nila ang supervision sa mga pulis at isinailalim na ito sa lifestyle check.

Kinansela na rin aniya nila ang lisensya ni Loot na makapagdala ng baril at magkaroon ng mga bodyguards.

TAGS: DILG, Illegal Drugs, loot, Pagdilao, PNP, sueno, DILG, Illegal Drugs, loot, Pagdilao, PNP, sueno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.