2 pulis na tinukoy sa imbestigasyon ng Senado sa droga hina-hunting na ng PNP

By Jan Escosio August 22, 2016 - 03:49 PM

PNP senate1
Photo: Jan Escosio

Ngayon pa lang ay hinahanap na ang mga pulis na pinaniniwalaang nasa likod ng pagpatay sa isang mag-asawa sa lalawigan ng Rizal noong buwan ng Hunyo.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa, ikinabigla niya ang naging testimoniya ni alias Mary Rose, anak ng pinatay na mag-asawang isinasangkot naman sa droga sa Antipolo City.

Si Mary Rose ang pangalawang testigo na humarap sa isinagawang public hearing sa Senado kaugnay sa mga kaso ng extra judicial killings sa bansa.

Ibinahagi na huli niyang nakitang buhay ang kanyang mga magulang nang magsabi ang mga ito na magre remit ng P50,000 ng napagbentahan nila ng droga sa pulis na kilala lang niya sa tawag na “Rabe”.

Ibinahagi pa ni Mary Rose aabot sa halos ay apatnapung mga kalalakihan at mga pulis ang nagpupunta sa kanila para magdala ng shabu na ibebenta ng kanyang tatay o kaya ay gagamit ng droga sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Sinabi pa ni Mary Rose na nagtext pa ang kanyang ina at sinabi nito na kung mapapatay sila ay ang pulis lang na si “Ong” ang may kagagawan.

Noong Hunyo 20 napatay sa engkuwentro ang tatay ni Mary Rose samantalang kinabukasan nang makita ang bangkay ng kanyang ina.

Bukas ay ipagpapatuloy ng komite ni Sen. Leila de Lima ang pagdinig sa Senado kung saan ay magpi-presinta naman si dela Rosa ng update sa kanilang anti-drugs campaign.

TAGS: de lima, dela rosa, Illegal Drugs, senate, de lima, dela rosa, Illegal Drugs, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.