DILG handa na sa paghuli kay Albuera Leyte Mayor Espinosa

By Chona Yu August 22, 2016 - 03:04 PM

Sueno dilg
Photo: Chona Yu

Hinihintay na lamang ngayon ng Department of Interior and Local Government ang ilalabas na warrant of arrest ng korte para arestuhin si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DILG Sec. Ismael Sueno na kasong illegal possession of firearms at ilegal na droga ang isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban kay Espinosa matapos makumpiskahan ng labing-isang kilo ng shabu.

Paliwanag pa ni Sueno, kaya nakabalik si Espinosa bilang alkalde sa bayan ng Albuera dahil sa wala pang warrant of arrest na inilalabas ang korte.

Kumpiyansa si Sueno na hindi makatatakas si Espinosa oras na mailabas na ang warrant dahil may nakaposteng mga pulis sa kanya.

Matatandaang matapos magpalabas ng shoot on sight order si Pangulong Rodrigo Duterte kay Espinosa, agad na nagtungo ito sa CIDG subalit makalipas ang dalawang araw ay pinakawalan din ito dahil sa kawalan ng kasong naisasampa sa korte.

TAGS: albuera, DILG, espinosa, leyte, sueno, albuera, DILG, espinosa, leyte, sueno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.