Tatlong sports officials galing sa Rio Olympics, isinailalim sa quarantine pag-uwi sa Malaysia

By Dona Dominguez-Cargullo August 22, 2016 - 12:39 PM

Rio OlympicsIsinailalim sa quarantine nang dumating sa Malaysia ang tatlong sporting officials na kagagaling lamang sa Brazil dahil sa katatapos na Rio Olympics.

Ayon kay Penang Health Department deputy director Dr. Noorlia Yahaya, ito ay dahil sa yellow fever scare.

Sinabi ng duktor na hindi kasi nabigyan ng yellow fever vaccination ang tatlong opisyal.

Matapos ang gagawing pagsusuri sa tatlo, ilalabas ng Crisis Preparedness and Response Centre (CPRC) ang resulta ng isasagawang test sa kanila.

Nilinaw ng health department ng Penang, na lahat naman ng biyahero, kabilang na ang mga Malaysians na hindi nagpabakuna kontra yellow fever ay isasailalim sa quarantine sa loob ng anim na araw.

Ayon kay National Sports Council deputy director-general Datuk Ab Jalil Abdullah ang tatlo nilang opisyal ay pawang sports juries, kung saan dalawa sa kanila ay sa weightlifting at isa ay ping pong.

Sa polisiya kasi ng Brazil, ang mga biyahero na pumapasok sa nasabing bansa na edad 60 pababa ay binabakunahan para sa yellow fever.

Gayunman, ang tatlong sports officials mula Penang ay pawang higit 60 na ang edad kaya hindi nabakunahan.

 

 

 

 

TAGS: yellow fever, yellow fever

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.