NLEX cager Mark Cardona, isinugod sa ospital dahil sa umano’y drug overdose

By Jay Dones August 22, 2016 - 04:02 AM

 

Inquirer.net/PBA

Isinugod sa University of Perpetual Help Hospital sa Las Piñas City ang PBA NLEX guard na si Mark Cardona matapos umano itong mag-overdose sa gamot Linggo ng umaga.

Ayon sa ulat, nananatili sa Intensive Care Unit ng naturang pagamutan ang PBA cager kung saan patuloy itong inoobserbahan.

Una rito, inaresto noong nakaraang Byernes ng mga otoridad si Cardona dahil sa reklamo ng partner nito na si Bianca Jackes.

Diumano nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong sa pag-responde pa ng mga lokal na barangay sa kanilang lugar sa Parañaque City.

Sa reklamo ni Bianca, tinutukan umano siya ng baril ng kanyang mister, bagay na itinanggi ng kaanak nito.

Ito umano ang naging dahilan ng depresyon ng basketbolista.

Sa ngayon, nasa stable na kondisyon na umano ang manlalaro habang nasa ICU ng pagamutan.

Patuloy na humihiling ng dasal ang pamilya ni Mark Cardona sa paggaling ng manlalaro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.