Pambato ng Pilipinas sa taekwondo sa 2016 Rio Olympics, talo sa unang laban

By Rod Lagusad August 21, 2016 - 04:39 AM

Kirstie Elaine Alora

Bigong masungkit ng pambato ng Pilipinas sa taekwondo sa 2016 Rio Olympics ang panalo sa unang laban nito matapos talunin ng Mexican player na si Maria Espinosa sa Round of 16 ng women’s +67kg sa Carioca Arena sa Rio de Janeiro, Brazil.

Si Espinosa ay isang Olympic gold medalist sa 2008 Beijing Olympics.

Sa pagsisimula pa lang ng laban ay nanguna na si Espinosa sa iskor na 1-0 sa pamamagitan ng isang roundhouse kick.

Sa ikalawang round ay nakahabol si Alora matapos masuntok sa didbdib si Espinosa ngunit agad naman itong nabawian ng Mexican player matapos makatama ng dalawang beses.

Sinubukang makahabol ni Alora sa mas matangkad na si Espinosa ngunit muling nakapuntos sa ikatlong round ang pambato ng Mexico.

Naunang natalo ang iba pang atleta ng bansa na sina long jumper Marestella Torres-Sunang at hurdler na si Eric Cray.

Sa kabila nito, may pag-asa pa si Alora na masungkit ang bronze medal dahil ayon sa panuntunan, ang mga natalo sa first round ng kumpetisyon ay maaari pang lumaban kapag ang kanilang nakalaban ay umabot sa final round.

Dahil dito, kinakailangan ni Alora na manalo sa susunod niyang dalawang laban para magkaroon ng tyansa sa bronze medal.

 

TAGS: 2016 Rio Olympics, Kirstie Elaine Alora, Taekwondo, 2016 Rio Olympics, Kirstie Elaine Alora, Taekwondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.