MMDA, handang-handa na sa shake-drill

July 22, 2015 - 07:27 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Higit sa 500 institusyon ang lalahok sa July 30 shake drill.

Personal na nagbigay ng lecture si MMDA Chairman Francis Tolentino sa opisyal at empleyado ng Inquirer Group hingil sa paghahanda sa posibleng paggalaw ng West Valley fault line, at sa mangyayaring ‘shake-drill’ sa darating July 30 na lalahakun ng iba’t ibang sektor sa buong Metro Manila.

Ayon kay tolentino, sa ngayon ay nasa 538 na institusyon at mga samahan ang nagpahayag ng pakikiisa sa gagawing shake drill sa buong Metro Manila sa July 30 ngayong taon na magsisimula ng 10:30 ng umaga at matatapos ng 11:30 ng umaga.

Magkakaroon din ng shake drill sa Pasig City ng alas 8 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi na magkakaroon ng ‘lights off sa Ortigas Business District.

Dalawang oras bago ang takdang oras ng shake-drill, magkakaroon ng malawakang pagpapakalat ng impormasyon na magkakaroon ng earthquake drill sa pamamagitan ng text message.

Sa pagsapit ng takdang oras, muling magpapakalat ng mga SMS ang mga telecom na nagsasabi na kunwari ay may lindol na tumama na may lakas na 7.2 magnitude.

Maliban sa SMS, magtutunugan din ang mga serena ng mga truck ng BFP at mga Kampana sa simbahan na magiging hudyat ng pasisimula ng Metro Manila wide shakedrill, simultaneous din maririnig sa mga himpilan ng Radyo ang mga announcement sa kunwaring may naganap na lindol.

Maglalagay din ng Command Center ang MMDA sa Macapagal Ave at maging sa Camp Aguinaldo, habang magpapalipad din ng mga helicopter ang PNP, AFP at iba pang rescue team para sa gagawin pagliligtas.

May nakahimpil ring floating hospital sa Manila Bay kung saan dadalhin ang mga nasugatan sa pamamagitan ng mga chopper, habang ang iba ay ililigtas sa pamamagitan ng pagbaba sa matataas na gusali.

Umaasa si Tolentino na sa pamamagitan nito ay matuturuan ang publiko para iligtas ang kanilang sarili kung tuluyan ng gumalaw ang west valley fault line na posibleng magdulot ng 7.2 magnitude na lindol.

Sa pagtataya ng MMDA posibleng umabot sa 35,000.00 katao ang mamatay, habang aabot naman sa P3.3 trillion pesos ang halaga ng mga ari-arian ang masisira.

Ngayon pa lamang humihingi na ng pang-unawa si MMDA Chairman Tolentino sa publiko lalo na sa maapektuhan ng pagbagal ng daloy ng trapiko, pero hangad umano niya na masaksikhan ng lahat ang gagawing shakedrill ng MMDA./ Jong Manlapaz

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.