Comelec, tiniyak na automated ang 2016 Election  

July 22, 2015 - 07:20 PM

 

Inquirer file photo

Hindi na babalik sa manu-manong sistema ang halalan ito ang tiniyak ng Commission on Elections o Comelec.

Ngunit sampung buwan bago ang eleksiyon sa 2016, hindi pa rin masabi ng Comelec hanggang ngayon kung anong sistema ng botohan o makina ang gagamitin.

Inamin ni Comelec Chairman Andy Bautista na wala pa silang tiyak na petsa para magdesisyon sa kung ang lumang PCOS ba ang gagamitin o kung bibili o magrerenta ng mga bagong makina.

Magiging kritikal aniya ang unang dalawang linggo ng Agosto at kailangan ng magdesisyon ng Comelec.

Sa Agosto a-uno, nakatakda ang opening of bids para sa refurbishment o pagkukumpuni ng mga lumang PCOS.

Nauna rito ay sinabi ni Bautista na sa July 31 ay magpapasya na sila tungkol dito.

Nangako si Bautista na magiging credible o kapani-paniwala ang resulta nito.

Tiniyak ni Bautista na hindi na babalik sa manual elections dahil nakasaad sa Saligang Batas na dapat ay automated na ang halalan./ Ricky Brozas, Gina Salcedo

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.