5 patay sa lumubog na bangka sa Surigao City

By Erwin Aguilon August 19, 2016 - 11:50 AM

Surigao CityLima ang nasawi matapos lumubog ang isang bangkang pangisda sa karagatang sakop ng Manjagao Island, Surigao City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Charmel Cabasa, 1 at kalahating taong gulang; John Laster Sila, 2 taong gulang; Jhon Laster Suan, 4 na taon; Lysa Maricela Sila, 9 na taon; at Rena Sila, 34-anyos.

Nabatid mula kay Lt. Commander Alberto Ferre ng Surigao Coast Guard na sakay ang mga biktima ng MB Charmel Jade kasama ang walong iba upang mag-swimming sa bahagi ng Cagayan fish cage nang hampasin ng malalaking alon ang bangka.

Tumaob aniya ang nasabing bangka dahil sa malalaking alon.

Nagawang makakapit ng iba sa katig ng tumaob bangka hanggang sa may dumaang isa pang bangka na siyang nagligtas sa walo.

Bigo namang mailigtas ang apat na mga bata at isa pa.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.