Kerwin Espinosa, bumisita umano habang nasa ospital sa Cebu ang ama

By Dona Dominguez-Cargullo August 19, 2016 - 11:46 AM

Kerwin-Espinosa-drug-lordNamataan umano si Kerwin Espinosa na bumisita sa ospital habang naka-confine sa isang pagamutan sa Cebu noong nakaraang linggo ang ama niyang si Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Chief Supt. Jovie Espenido, hepe ng Albuera Police, may natanggap silang impormasyon na namataan sa pagamutan si Kerwin.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpapakita si Kerwin sa mga otoridad, sa kabila ng taning at mga babala ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkakasangkot niya sa illegal drugs trade.

Ani Espenido, hindi na umuuwi sa kanilang mga bahay si Mayor Espinosa at sa halip ay sa kaniyang opisina sa Albuera Municipal Hall ito namamalagi.

Nagpabarikada pa umano ito ng mga kababaihan sa munisipyo na marahil ay paghahanda sakaling may lumabas nang arrest warrant laban sa kaniya.

“Hindi siya umuwi sa bahay nila, nandon siya sa opisina niya, ginawa niyang bahay opisina niya, may mga kababaihan doon, 50 womens, ginawang human barrier niya, binibigyan ng P1,000 yung mga yun kada araw para magstay doon,” ayon kay Espenido.

Magugunitang ang mag-amang Espinosa ay kinasuhan na ng PNP dahil sa pagtataglay ng mga armas at pagkakasangkot sa illegal drugs trade.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.