Duterte: ‘Palitan niyo ako kung nagsisinungaling ako’

By Kabie Aenlle August 19, 2016 - 03:32 AM

 

Screengrab PTV4

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya basta magsasalita kung wala siyang hawak na ebidensya, tulad ni Sen. Leila de Lima.

Ayon pa sa pangulo, marami siyang maaring ilabas na testigo at isa na aniya dito ay ang mismong driver na ka-relasyon aniya ni De Lima, na itinuturo niya ring kolektor ng drug money mula sa New Bilibid Prisons.

Giit pa ng pangulo, hindi kalabisan ang pagbatikos niya kay De Lima sa kaniyang televised speech noong Miyerkules.

Binigyan pa nga aniya niya ng pagkakataon ang senadora para ipagtanggol at ipaliwanag ang kaniyang sarili.

Hamon pa ni Duterte sa mga tao, kung siya ay mapatunayang nagsi-sinungaling, handa siyang mapalitan sa kaniyang pwesto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.