South Korean, patay matapos mahulog sa bangin sa Negros

August 19, 2016 - 04:27 AM

 

Mula sa Google Maps

Patay ang isang turistang South Korean makaraang aksidente itong mahulog sa malalim na bangin sa isang resort sa bayan ng Murcia, Negros Occidental.

Nakilala ang nasawing biktima na si Kim Kyunggung, 64 taon gulang, isang guro sa South Korea na idineklarang dead on arrival sa pagamutan sanhi ng pinsala sa kanyang ulo at katawan.

Sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang dalawa pang South Korean na nagbabakasyon sa Mambukal Resort at nagpasyang mag-trekking sa isa sa tatlong falls o ‘talon’ sa loob nito.

Gayunman, habang umaakyat ng ‘talon’ aksidenteng nadulas ang biktima na dahilan upang mahulog ito sa malalim na bangin.

Agad na sinagip ng mga tour guide ang biktima at isinugod sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.