Aquino administration mas tumutok sa reward system kesa sa droga – PNP Chief

By Den Macaranas, Jan Escosio August 18, 2016 - 05:12 PM

Ronald dela Rosa
Inquirer photo

Nanghihinayang si PNP Chief Ronald dela Rosa sa napakalaking pondo ng pamahalaan na napunta lamang bilang rewards sa mga nagturo ng ilang mga terorista sa bansa.

Sa pagdinig ng Senado kaugnay sa anti-illegal drug operations ng pamahalaan, sinabi ni dela Rosa na nakatutok ang malaking bahagi ng intelligence funds ng nakaraang Aquino administration sa paghahanap ng mga terorista at reward system.

Napabayaan umano ang pondo na dapat ay inilalagay sa mga operasyon laban sa mga tunay na kalaban ng pamahalaan kabilang na ang mga sindikato ng droga.

Ipinaliwanag rin ni dela Rosa na hindi naman nahuli ang lahat ng mga terorista sa bansa sa kabila ng napakalaking pondo na ibinuhos dito ng Aquino administration.

Sa kasalukuyang set-up, sinabi ng opisyal na ipinaliawanag niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na dapat bigyan ng mas malaking pondo ang mga operational units ng PNP dahil sila ang dirtektang tutugis sa mga kaaway ng gobyerno.

“Kung gusto mo talaga ang mataas ang success rate ng intel operations, ibuhos mo dun sa baba, sa operating units, huwag mo ilimit sa rewards tulad ng ginawa ng dating pamahalaan”, dagdag pa ni dela rosa.

TAGS: aquino reward system, dela rosa, intelligence fund, aquino reward system, dela rosa, intelligence fund

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.