Liderato ng Senado hinamon na ipagtanggol si de Lima

By Jan Escosio August 18, 2016 - 03:57 PM

risa hontiveros1
Inquirer file photo

Hinamon ni Sen. Risa Hontiveros ang pamunuan ng senado na tumindig para dipensahan ang integridad ni Sen. Leila de Lima.

Kasabay nito sinabi ni Hontiveros na nasaktan siya sa personal na atake ni Pangulong Rodrigo Duterte kay de Lima kahapon.

Sinabi ni Hontiveros na extremely unpresidential at paglabag sa parliamentary courtesy ang ginawa ng pangulo ng kanyang sabihin na lover ni de Lima ang kanyang sariling driver na umano’y naging taga-kolekta rin niya ng pondo noong panahon ng kampanya.

Sinabi pa nito na nakakabahala na ang ikinikilos ng pangulo sa mga babae at binalikan ni Honriveros ang nangyari sa pagitan ng pangulo at ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nag-ugat din sa isyu ng droga.

Batid ni Hontiveros ang kakaibang istilo ng pamamahala ni Duterte pero dapat naman dawn a bigyan ng respeto ang isang babae tulad ni de Lima.

TAGS: de lima, hontiveros, Senado, tuterte, de lima, hontiveros, Senado, tuterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.