Coach Baby “Meastro” Dalupan namatay na sa edad na 92

By Den Macaranas August 18, 2016 - 02:38 PM

Baby-Dalupan
Inquirer file photo

Namatay na ang isa sa mga itinuturing na “winningest coach” sa Philippine Basket Association (PBA) na si Virgio “Baby” Dalupan sa edad na 92.

Si Dalupan ay may record na 15 championships sa PBA kung saan siyam dito ay nang pangunahan niya ang dating Crispa Redmanizer, lima sa Great Taste/Presto at isa sa Purefoods.

Ang tinaguriang “Maestro” ng PBA ay namatay sa kanilang tahanan dahil sa kumplikasyon ng pneumonia.

Nagsimula ang kanyang coaching career sa basketball noong 1955 nang siya’y magsilbing head coach ng University of the East sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Naulila ni Dalupan ang kanyang may-bahay na si Lourdes ‘ Nanay Nenang” Dalupan at walong mga anak.

Siya ay anak ng founder ng University of the East na si Francisco Dalupan Sr.

Noong 2005 ay ginawaran si Dalupan ng PBA Hall of Fame Award dahil sa kanyang naibahagi sa kasaysayan ng professional basketball league sa bansa.

TAGS: crispa, dalupan, PBA, ue, crispa, dalupan, PBA, ue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.