Barangay captain, patay sa pananambang sa Sultan Kudarat

August 18, 2016 - 04:12 AM

 

crime-scene-e1400865926320Patay ang isang kapitan ng barangay matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang naka-motorsiklong riding in tandem sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Supt. Joefel Siason, nasawi ang biktimang kinilalang si Brgy. Sampao chairman Rodrigo Mercado dahil sa dami ng tinamong tama ng bala sa katawan mula sa cal. .45 na pistol.

Nakasakay sa motorsiklo ang biktima habang patungo sa munisipyo, nang bigla siyang barilin pasado alas-9:00 ng umaga ng Miyerkules sa Barangay Kalawag 2.

Hindi pa alam ng mga pulis ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima, at patuloy pa rin ang ginagawa nilang imbestigasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.