20 bahay, nasira ng buhawi sa Bulacan

By Jay Dones August 18, 2016 - 04:14 AM

 

Inquirer file photo

Hindi bababa sa 20 kabahayan ang napinsala ng buhawi na tumama sa Bgy. Sibol, San Miguel, Bulacan Martes ng gabi.

Naganap ang pagtama ng buhawi sa kasagsagan ng biglang paglakas ng ulan at hangin dulot ng habagat.

Nagulat na lamang umano ang mga residente nang biglang lumakas ang hangin at ilang segundo lamang ay natanggal na ang bubungan ng mga bahay ng mga residente sa lugar.

Maswerteng walang nasaktan sa naturang insidente.

Agad namang tumulong ang lokal na pamahalaan sa mga naapektuhang pamilya.

Matatandaang nitong nakalipas na Linggo lamang, sinagasa ng buhawi ang mga kabahayan sa Tondo at Sampaloc sa Maynila.

Sa naturang insidente, nasa 200 tahanan at establisimiyento ang napinsala ng buhawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.