5 miyembro ng pamilya, patay matapos makuryente sa Pangasinan

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Northern Luzon August 16, 2016 - 10:59 AM

Malasiqui PangasinanPatay ang limang miyembro ng isang pamilya, matapos makuryente sa loob ng kanilang bahay sa Malasiqui, Pangasinan.

Natagpuang walang nang buhay at nakahandusay ang mag-asawang Ariel Colarco at Rochelle Mendoza at kanilang mga anak na sina Gieann, Henry at Michael sa loob ng bahay sa Barangay Bacundao East.

Ayon kay Malasiqui police chief, Supt. Roland Sacyat, hawak pa ni Rochelle ang alambre nang ito ay matagpuan.

Hinala ng mga otoridad, posibleng tinangka ni Rochelle na magkabit ng sampayan sa loob ng bahay gamit ang alambre, dahil sa maulang panahon at wala itong mapagsampayan.

Dalawa sa mga bata ay nakitang katabi ni Rochelle at maari umanong tinangka nilang hilahin ang kanilang nanay.

Habang ang katawan ni Ariel at isa pang bata ay nakita sa isang bahagi ng bahay, hawak ang dulo ng alambre.

 

 

 

 

 

TAGS: Family of 5 die of electrocution in Pangasinan, Family of 5 die of electrocution in Pangasinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.