Dating konsehal, patay sa pamamaril sa Isabela

By Erwin Aguilon, Kabie Aenlle August 16, 2016 - 04:02 AM

 

crime-scene-e1400865926320Patay ang dating konsehal sa bayan ng Andangan sa Isabela, matapos  tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Sampung beses na pinagbabaril ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo si Rommel Go na anak ng kasalukuyang konsehal na si Maritz Go sa harap ng isang paaralan sa bayan ng Alicia, Lunes ng umaga.

Ayon sa mga pulis, ginawa ang pananambang kay Go pagkatapos niyang ihatid ang mga anak sa paaralan, at nang pasakay na siya muli sa sasakyan, bigla na siyang tinambangan ng mga suspek.

Ayon kay Vice Mayor Diosdado Siquian, nanilbihang konsehal si Go sa bayan mula 2013 hanggang June 30 ng taong ito.

Wala pang ideya ang mga pulis kung bakit pinatay ang dating konsehal at nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon hanggang ngayon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.