Wala ng pipigil kay Poe

July 21, 2015 - 05:00 PM

Inquirer file photo

Desidido na si Senador Grace Poe na tumakbong Pangulo ng bansa sa 2016 elections.

Ito ay kahit na hindi pa makuha ang endorsement ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Senator Sergie Osmeña, tatakbo si Poe bilang independent candidate.

Wala na rin aniyang saysay ang paulit-ulit na pakikipagpulong ng pangulo kay Poe.

Muling binalaan ni Osmeña si Poe sa pagpili ng ka-tandem sa 2016.

Sa ngayon aniya, walang kadungis-dungis ang pangalan ni Poe.

Una ng pinayuhan ni Osmeña si Poe na ilaglag na ang matalik na kaibigan na si Senador Francis Escudero dahil sa mga negatibong isyu na kinasasangkutan nito.

Ngunit batay sa mga naunang pahayag ni Poe,nananatiling buo ang tiwala niya sa kaibigang si Escudero./ Chona Yu

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.