Walang alok na mag VP si ate Vi

July 21, 2015 - 04:16 PM

Inquirer file photo

Mariing pinabulaanan ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na may natanggap na feelers ang kanyang asawang si Batangas Governor Vilma Santos para kumandidatong Vice Presdent ng Administrasyon.

Ayon kay Recto, walang balak tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo si Ate Vi.

Ayon sa senador, nagpapasalamat si Ate Vi sa mga nagkukunsiderang kunin siya bilang vice presidential candidate pero hindi ito interesado.

Paliwanag ni Recto, kinuha lang ang reaction o panig kahapon sa isang okasyon si Governor Vilma sa balitang may mga intresadong kunin siya para mag-VP , pero nagpasalamat lang ito dahil wala naman itong interes na tumakbo sa mas mataas na posisyon lalo na ang maging vice president.

Sabi pa ni Recto, sa ngayon ang pagkakaalam niya ay nagsimula na ng shooting si Ate Vi para sa isang pelikula kung saan kasama nito si Angel Locsin, ang gilfriend ng kanyang anak na si Luis Manzano.

Ang naturang pelikula ayon sa senador ang pinagkakaabalahan ni ate Vi./Chona Yu

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.