Hidilyn Diaz, ipinarada sa kaniyang hometown sa Zamboanga City

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2016 - 05:10 PM

FB Photo / Mayor Beng Climaco
FB Photo / Mayor Beng Climaco

Ipinarada sa kaniyang hometown sa Zamboanga City si Olympic silver medalist Hidilyn Diaz.

Isang masaya at makulay na homecoming ang ibinigay ng kaniyang mga kababayan kay Diaz habang sakay siya ng float kasama ang kaniyang kapwa Olympian na si Nestor Colonia at coach na si Alfonsito Aldanete.

FB Photo / Mayor Beng Climaco
FB Photo / Mayor Beng Climaco

Dumating si Diaz sa Zamboanga International Airport alas 2: 00 ng hapon ng Biyernes matapos ang kaniyang courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City kagabi.

Mula airport isinagawa ang motorcade hanggang sa Zamboanga City hall.

Kalahating milyong piso ang ipinagkaloob ng Zamboanga City government kay Diaz bilang pagkilala sa kaniyang karangalan na naihatid hindi lamang sa lungsod kundi sa buong bansa.

 

 

TAGS: Zamboanga City welcomes Hidilyn Diaz, Zamboanga City welcomes Hidilyn Diaz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.