Magkakasunod pang pagsabog at sunog naganap sa Thailand; 4 na ang patay

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2016 - 11:59 AM

ThailandAng dalawang magkasunod na pag-atake kagabi sa beach resort sa Thailand ay nasundan pa ng ilang pagpapasabog at sunog ngayong umaga.

Huwebes ng gabi nang maganap ang dalawang pagsabog sa resort sa Hua Hin kung saan isang street vendor ang nasawi at 20 ang nasugatan kabilang ang siyam na dayuhang turista.

Itinago umano sa paso ng halaman ang bomba na sumabog 30-minuto lamang ang pagutan sa bar district ng Hua Hin na kilala sa mga beach resort.

Ngayong Biyernes ng umaga, dalawa pang pagsabog ang naganap sa Phuket, Thailand na popular din sa mga turista, habang dalawang pagsabog pa ang iniulat na naganap din sa mga lalawigan ng Trang at Surat Thani kung saan dalawa ang nasawi.

May mga ulat din ng serye ng sunog na naganap sa Phang Nga, Krabie, Trang at Surat Thani.

Kasunod ng serye ng mga pag-atake nanawagan sa publiko si Prime Minister Prayut Chan-O-Cha na maging mahinahon.

 

 

TAGS: series of bombing in Thailand, series of bombing in Thailand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.