1 patay, 19 sugatan sa pagsabog sa resort sa Thailand

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2016 - 08:11 AM

Hua Hin ThailandIsa ang nasawi at labingsiyam na iba pa ang nasugatan sa pagsabog na naganap sa tanyag na seaside resort sa Hua Hin, Thailand.

Dalawang pagsabog ang naganap na 30-minuto lamang ang pagitan malapit sa mga bar sa beach.

Ayon sa local police officer mula sa Hua Hin, isang Thai woman ang nasawi habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasugatan kung saan pito sa mga ito ay dayuhan.

Ang nasawing biktima ay isa umanong street vendor at nagtitinda lamang ng papaya sa lugar nang maganap ang unang pagsabog.

Ang bayan ng Hua Hin ay kilala sa mga high-end na resort sa Bangkok na popular sa mga lokal at dayuhang turista.

Inaalam pa kung ano ang motibo at sino ang mga nasa likod ng pagsabog.

 

 

TAGS: Hua Hin Thailand, Hua Hin Thailand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.