10, patay sa pagsabog sa Parañaque City Jail

By Jay Dones August 12, 2016 - 04:14 AM

 

Mula sa Google Maps

Sampu na ang kumpirmadong nasawi sa insidente ng pagsabog na sinundan ng kaguluhan sa loob mismo ng Parañaque City Jail kagabi.

Sa inisyal na ulat, mag-aalas 9:00 ng gabi nang maganap ang pagsabog na ikinasawi ng mga biktima.

Walo ang agad na nasawi  sa pagsabog samantalang may dalawa pang nadala sa pagamutan ngunit idineklara ring dead on arrival.

Sa inisyal na impormasyon, dapat sana ay magkakaroon ng pag-uusap sa pagitan ng mga preso ng Parañaque City Jail at warden nito ukol sa nakaambang paglilipat ng preso kagabi nang maganap ang pagsabog.

Sa kasalukuyan, nagsimula nang magsidatingan ang mga kaanak ng mga bilanggo sa naturang piitan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.