Hidilyn Diaz, may dagdag na 2-M bonus mula kay Duterte

By Jay Dones August 12, 2016 - 04:10 AM

 

Diaz naiaBukod sa limang milyon, may bonus pang dalawang milyong piso si Olympic silver medalist Hidilyn Diaz mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Mismong si Pangulong Duterte ang nangako ng insentibo kay Diaz nang magkita ang mga ito sa Camp Panacan, Davao City kagabi.

Una nang ibinigay ni Duterte ang limang milyong halaga ng tseke kay Diaz sa kanilang pagkikita.

Masayang-masaya naman si Diaz sa kanyang natanggap na biyaya matapos magwagi ng silver medal sa weightlifting event sa Rio Games kamakailan.

Ayon kay Diaz, bahagi ng kanyang nakuhang bonus ay ibibili niya ng lupa na pagtatayuan ng gym para sa mga kabataang nais na pasukin ang larangan ng weightlifting.

Masaya rin si Diaz sa balitang mabibigyan siya ng promosyon sa ranggo ng Philippine Air Force.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.