Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz dumating na sa bansa

By Alvin Barcelona, Den Macaranas August 11, 2016 - 06:07 PM

Diaz naiaMakaraang ang halos ay 25-oras na byahe ay dumating na sa bansa ang Rio Olympics silver medalist na si Hidilyn Diaz.

Si Diaz ay sinalubong ng mga sports officials at ng kanyang buong pamilya na kahapon pa nasa Metro Manila mula sa kanilang tahanan sa Zamboanga City.

Sinorpresa ang 25-anyos na tauhan ng Philippine Air Force ng P5 Million check bilang insentibo na nakapaloob sa Republic Act 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives law.

Ibinibigay ang nasabing pabuya sa mga atleta na nakakapag-uwi ng karangalan sa bansa.

Isang private company naman ang nagsabing bibigyan nila ng house and lot si Diaz makaraan niyang masungkit ang silver medal para sa 53-kg category sa weightlifting sa nagpapatuloy pa rin na Rio Oympics sa bansang Brazil.

Ilang minuto lamang na mananatili sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 si Diaz dahil kaagad siyang lilipad patungo sa Davao City.

Mamayang alas-syete ng gabi ay nakatakdang mag-courtesy call ang Olympic medalist na si Diaz kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna dito ay nangako rin si Sen. Manny Pacquiao na bibigyan niya ng premyo si Diaz dahil sa karangalang iniuwi niya para sa bansa.

Sasagutin naman ng Philippine Sports Commission ang pagpapatayo ng isang public gym sa Zambaoang City na matagal na umanong pangarap ni Diaz para tulungan ang ilang mga aspiring athletes sa bansa

Diaz Check

TAGS: duterte, hidilyn diaz, Pacquiao, Rio Olympics, duterte, hidilyn diaz, Pacquiao, Rio Olympics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.