Tax evaders, sunod na target ni Pangulong Duterte

By Kabie Aenlle August 09, 2016 - 04:24 AM

 

Inquirer file photo

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mayayaman na hindi nagbabayad ng tamang buwis na sila na ang kaniyang susunod na target.

Ipinahayag ito ng pangulo sa kaniyang talumpati sa harap ng 500 mga sundalo ng 8th Infantry Division na naka-base sa Camp Lukban sa Catbalogan City, Samar.

Ayon kay Pangulong Duterte, nais niyang pagbayarin ng tamang buwis ang mga mayayaman sa bansa.

Aniya, pagkatapos ng mahabang listahan ng mga sangkot sa iligal na droga, sunod na niyang ibubunyag ang listahan ng mga pinakamalalaking tax evaders.

Si Duterte ang pinaka-unang pangulo na bumisita sa main Army camp sa Eastern Visayas.

Kasama niyang tumungo sa kampo sina Defense Sec. Delfin Lorenzana, Armed Forces of the Philippines chief of staff Ricardo Visaya at retired Major General Arthur Tabaquero na dating commanding general ng 8th Infantry Division mula 2008 hanggang 2010.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.