Demi, nabigla sa pagkamatay ng isang lalake sa kanyang tahanan

July 20, 2015 - 11:23 AM

demi
File photo

Los Angeles – Ikinagulat ng 52-anyos na aktres na si Demi Moore ang pagkamatay ng isang lalaki sa loob mismo ng kaniyang tahanan sa Los Angeles.

Sa pahayag ni Moore na inilabas sa media ng kaniyang publicist, sinabi nitong siya ay wala sa kaniyang tahanan nang maganap ang insidente dahil nasa isang biyahe siya kasama ang mga anak para sa isang pagdiriwang.“I am in absolute shock. I was out of the country traveling to meet my daughters for a birthday celebration when I got the devastating news”.

Ayon kay Moore, may party na ginawa sa kaniyang bahay, sa pangunguna ng kaniyang assistant na kanyang pinahintulutan. Sa nasabing party nga natuklasan ang wala nang buhay na 21 anyos na lalaki na nakilalang si Edenilson Steve Valle.

Nakita ang katawan ni Valle sa swimming pool sa bahay ni Moore labing-limang minute matapos itong mawala.

Ayon kay Los Angeles County coroner’s Lt. Fred Corral, hindi umano marunong lumangoy si Valle base na rin sa pahayag ng pamilya nito./ Dona Dominguez – Cargullo

TAGS: demo moore house in Los Angeles, Radyo Inquirer, demo moore house in Los Angeles, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.