Mga Congressmen, Judges at Pulis na sabit sa droga isusunod ni Duterte

By Chona Yu August 06, 2016 - 03:19 PM

duterte
Inquirer file photo

Pangalan ng mga Congressmen, Judges at pulis ang susunod na isasapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa ilegal na droga.

Ayon sa pangulo, gagawin niya ang pag aanunsyo sa mga pangalan sa mga susunod na araw.

Paliwanag ni Duterte, wala siyang intenyon na sirain ang reputasyon ng mga personalidad na sangkot sa illegal na droga bagkus ay tungkulin lamang niya ito bilang pangulo ng bansa.

Sinabi pa ng pangulo na karapatan hindi lang ng media kundi lahat ng pilipino na malaman kung ano ang tunay na nangyayari sa pilipinas.

Dagdag pa ni Duterte na hindi niya kilala ng personal ang mga Judges, Congressmen at mga pulis na sangkot sa illegal na droga.

“If I read the names now of the judges which I will — in a few hours, few days — may mga congressman, it’s not because gusto ko silang siraan….hindi ko kilala ito. Pati mga pulis — judges, pulis, mga congressman. But it behooves upon me, nandito sa akin ‘yung obligasyon to tell the Filipino people of what is happening to this country”, paliwanag ng pangulo.

TAGS: duterte, Illegal Drugs, Judge, Pulis, duterte, Illegal Drugs, Judge, Pulis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.