13 patay maraming iba pa sugatan sa sunog sa isang bar sa France

By Den Macaranas August 06, 2016 - 03:11 PM

Cuba libre
AP

Umakyat na sa labing-tatlo katao ang patay at maraming iba pa ang sugatan sa malaking sunog na tumupok sa isang bar sa Rouen town sa Normandy France.

Karamihan sa mga namatay ay nasa pagitan ng edad 18 hanggang 25-anyos ayon sa report ng kanilang Interior Ministry.

Kaagad na ipinag-utos ni Interior Minister Bernard Cazeneuve ang imbestigasyon sa sunog para alamin kung sinadya bang sunugin ang Cuba Libre na kilalang tambayan ng mga kabataan sa lugar.

Anim sa mga sugatang biktima ang nasa kritikal na kundisyon ngayon ayon sa mga reports.

Kamakailan lang ay naging laman ng balita ang Normandy makaraang salakayin ng mga pinaniniwalaang ISIS sympathizers ang isang simabahan sa lugar kung saan isang pari pa ang kanilang pinatay.

TAGS: cuba libre, France, normandy, cuba libre, France, normandy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.