DOE duda na sinasadya ang kakapusan ng suplay sa kuryente ng bansa

By Alvin Barcelona August 04, 2016 - 05:12 PM

NGCP-tower
Inquirer file photo

Babalangkas na ang Dapertment of Energy (DOE) ng mga mekanismo na titiyak na mananatiling sapat at matatag ang suplay ng kuryente sa bansa.

Inihayag ito ni Energy Sec. Alfonso Cusi sa harap ng magkakasunod na deklarasyon ng yellow alert ng National Grid Corporation Corporation (NGCP) kamakailan.

Gusto ng DOE na malaman kung sapat ang standard na pinaiiral ng mga power generating companies para matiyak na laging nasa magandang kundisyon ang mga planta nito at kaya nilang punan ang obligasyon  sa kani-kanilang mga kliyente.

Ayon kay Cusi, desidido sila na mapaganda ang power situation sa bansa sa pamamagitan ng pagta-trabaho kasama ang Energy Regulatory Commission (ERC).

Kabilang sa mga mekanismo na pinag aaralan nila ay ang paglikha ng isang technical audit team na sisilip sa operasyon at kontrata ng mga generating companies at distribution utilities pati na ang paghikayat ng dagdag na investments na magdadagdag ng suplay ng kuryente sa bansa.

Gusto ring malaman ng DOE kung sinasadya ba na talagang isabotahe ang supply ng kuryente sa bansa.

TAGS: DOE, erc, ngcp, DOE, erc, ngcp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.