WATCH: Pagpatay sa isang pedicab driver sa Maynila, nakuhanan ng CCTV

By Erwin Aguilon August 04, 2016 - 08:33 AM

Patay ang isang pedicab driver makaraang barilin sa panulukan ng Peñalosa at Franco Streets, Brgy. 78, Zone 7, Tondo, Maynila.

Dead on arrival sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Danilo Mendoza na nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa leeg.

Sa kuha ng CCTV ng barangay, nakatayo sa lugar ang biktima nang dumating ang dalawang suspek na magka-angkas sa motorsiklo at saka binaril ang biktima.

Nakasuot ng sumbrero ang backrider na bumaril habang naka-helmet naman ang driver ng motorsiklo.

Tumakas naman ang mga suspek patungo sa direksyon ng Sta. Maria St, Tondo.

Sinabi ni Barangay Chairman Rody Inocencio na kilalang police asset ang nasabing biktima.

Inaalam pa naman ng pulisya ang motibo sa nasabing krimen.

 

 

TAGS: Pedicab driver shot dead in Manila, Pedicab driver shot dead in Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.