Marami pa ring kontrabando sa loob ng Bilibid – DOJ

By Erwin Aguilon August 03, 2016 - 11:18 AM

Kuha nI Richard Garcia
Kuha nI Richard Garcia

Aminado ang Department of Justice (DOJ) na mayroon pa ring mga kontrabando sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ito ay sa kabila ng sunod-sunod na paggalugad na ginagawa ng mga tauhan ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF).

Sinabi ni Aguirre na may natanggap siyang impormasyon na may high-profile inmate ang nakakatawag pa rin sa labas gamit ang cellphone.

Samantala, isasailalim sa forensic investigation ng NBI ang mga cellphone na nakumpiska sa Oplan Galugad ng mga miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Bilibid.

Ayon kay Aguirre, tutuntunin sa imbestigasyon kung kanino galing ang mga tawag mula sa loob ng Bilibid at kung sino ang posibleng contact ng mga ito sa labas.

Tatlo sa mga nakumpiskang cellphone ayon sa kalihim ay pag-aari ng drug lord na si Peter Co.

TAGS: New Bilibid Prisons, New Bilibid Prisons

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.