Draymong Green ng Golden State Warriors, nag sorry matapos mag post ng larawan kanyang ari sa social media

By Mariel Cruz August 01, 2016 - 09:35 AM

Draymond Green
Inquirer file photo

Humingi ng paumanhin sa publiko ang Golden State Warriors player na si Draymond Green matapos mag post ng larawan ng maselang parte ng kanyang katawan sa social media.

Ayon kay Green, aksidente niyang napindot ang “share” button sa kanyang Snapchat account na nagresulta ng pagkaka-post ng kanyang ari sa social media.

Tumagal ng sampung minuto bago tuluyang mabura ang nasabing post ng American basketball player.

Kung kaya’t hinihingi niya ang paumanhin ng lahat ng mga nakakita ng kanyang maselang post.

“We are all one click away from placing something in the wrong place,” pahayag ni Green.

Una nang naglabas ng pahayag si Green sa kanyang Twitter account matapos kumalat sa publiko ang nasabing larawan kung saan sinabi nito na na-hacked ang kanyang Snapchat account.

Pero kalaunan ay inamin din ni Green na sinadya niya ang pagkuha sa nasabing larawan ngunit mananatili dapat itong pribado.

Kabilang si Green sa mga kinatawan ng USA sa Rio Olympics sa Brazil.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.