TIGNAN: Memorial marker, inilagay sa lugar kung saan pinatay ang isang siklista sa Quiapo, Maynila

By Erwin Aguilon August 01, 2016 - 08:57 AM

Nilagyan na ng memorial marker ang lugar kung saan pinatay ang siklistang si Mark Vincent Garalde sa P. Gasal Streey sa Quiapo, Maynila.

Isang bisikleta na pininturahan ng kulay puti ang inilagay sa lugar na may pangalan pa ni Garalde.

Inilagay ang nasabing marker ng iba’t-ibang grupo ng mga siklista bilang ala-ala sa sinapit ng kanilang kasamahan mula sa suspek na si Vhon Tanto.

Magugunitang nakatalo dahil sa away sa kalsada ng biktima ang suspek hanggang sa magkasuntukan noong nakalipas na linggo.

Matapos ang suntukan, sumakay ng kotse ang suspek saka kinuha ang baril at pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.

Nasugatan naman at kasalukuyan pa ring ginagamot sa ospital si Roselle Bondoc.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.