Anuman ang balak, Grace suportado ni Susan

July 19, 2015 - 03:25 PM

grace-poe1
Inquirer file photo

Suportahan siya, anuman ang kanyang maging pasya.

Ito ang naging paniniyak ni Susan Roces sa anak na si Senador Grace Poe sakaling magpasyang tumakbo sa 2016 presidential elections.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Poe na noon pa man naging suportado na ang kanyang ina sa anumang desisyon na kanyang ginagawa.

“Ang payong nanay, babalang nanay, ay tama yan. Ang concern lang niya, ay mababawasan ang oras ko sa mga anak ko at mababawasan ang oras ko sa kanya,” pahayag ni Poe.

Pero ayon kay Poe, kung ang paglilingkod at pangarap sa bayan ang kanyang gagawin, nakahanda ang kanyang ina na suportahan siya.

Sa ngayon, hindi pa nakapagpapasya si Poe kung sasabak na sa 2016 elections.

“Patuloy pa rin ang aking pagdarasal, wala akong kondisyon na hinihingi sa Panginoon,” pahayag ni Poe.

Isa sa mga naiisip ni Poe na gawin sa pamahalaan ay bawasan ang korupsyon at mapanagot ang mga nagkakasala sa batas. / Chona Yu

TAGS: grace poe, Radyo Inquirer, grace poe, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.