3 katao, patay sa ikinasang buy bust operation ng MPD Station 5 sa Maynila

By Jong Manlapaz August 01, 2016 - 07:03 AM

Maynila buy bust
Kuha ni Jong Manlapaz

Tatlo katao ang nasawi sa inilunsad na drug buy bust operation ng Station Anti-Illegal Drugs o SAID ng Manila Police District Station 5 sa may bahagi ng 14th Street, Port area, Maynila.

Sinabi ni PSI Dave Garcia, hepe ng SAID ng MPD Station 5, nakabili sila ng P200 halaga ng bawal na gamot kay alyas ‘Roby’, 35 to 40 yrs old na kilalang tulak ng droga sa lugar at siyang target ng operasyon.

Matapos na makumpirma na nagbebenta ng bawal na gamot ang suspek, agad na sumugod ang operatiba ng SAID sa bahay ng suspek na itinuturing din na isang drug den.

Dito na umano nanlaban at nagpaputok si Alyas ‘Roby’ kaya’t napilitang gumanti ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng naturang suspek.

Maynila buy bust 2
Kuha ni Jong Manlapaz

Paghupa ng barilan, dalawa pa na kasabwat umano ni Alyas ‘Roby’ ang namatay, kabilang na si Sahir Omar na nakilala base sa kanyang driver’s licence.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang baril na ginamit ng suspek na isang Magnum 357, hindi bababa sa limang sachet ng iligal na droga at ilang drug paraphernalia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.