Isang hinihinalang snatcher, patay sa pamamaril sa Pasay City

By Jong Manlapaz August 01, 2016 - 06:56 AM

Pasay snatcher
Kuha ni Jong Manlapaz

Natagpuang wala nang buhay ang isang lalaki sa Bac 1-11 Drive Don Carlos Village Brgy. 190 Zone 20 sa Pasay City habang nakatali sa likod ang mga kamay.

Ayon kay Jesus Berbers, dating opisyal ng barangay, bandang 12:20 ng madaling araw ng may marinig silang sunod-sunod na putok ng baril.

Kaya agad nila itong pinuntahan para alamin ang nangyari, pero laking gulat nila ng bangkay ng lalaki ang kanilang nakita.

Sa kwento ni Berbers, tatlong saksi ang nakakita ng pagdating ng tatlong katao kasama na ang biktima sa lugar na magkakaangkas sa isang motor.

Sa imbestigasyon ng SOCO, sa lugar na pinatay ang biktima dahil nakakuha sila ng apat na basyo ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Nag iwan naman ang mga suspek ng isang karatula na may nakasulat na “Snatcher ako sa Edsa, wag tularan”.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.