Van, sinalpok ng PNR train sa Maynila

By Jong Manlapaz August 01, 2016 - 04:15 AM

 

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Isang kulay puting van ang sinalpok ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Blumentritt, Maynila, dakong 7:30 Linggo ng gabi.

Dahil dito, nawasak ang  kanang bahagi ng van na minamaneho ni Arvin Cajes.

Ayon sa drayber ng van na si Cajes, nagtuloy-tuloy lang sya sa pagtawid sa riles dahil hindi nakababa ang pangharang sa mga sasakyan at ‘di namalayan ang paparating na tren.

Sa kwento pa ni Cajes, hindi pa man siya  nakakalampas sa riles,  binangga na ang kanang bahagi ng kanyang sasakyan at nakaladkad ng tren ilang metro.

Masuwerte naman na nagtamo lamang ng minor injury si Cajes na agad na nilapatan ng paunang lunas ng mga rumespondeng rescue team.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam ang pamunuan ng PNR kaugnay sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.