Mighty Sports, kampeon sa 2016 Jones Cup

By Jay Dones August 01, 2016 - 04:12 AM

 

Inquirer file photo

Kampeon na ang Philippines-Mighty Sports sa 2016 William Jones Cup matapos na talunin ng mga ito ang Chinese Taipei B.

Nagtapos ang laban ng dalawang koponan Linggo ng gabi sa score na 104-80 sa Taiwan.

Sa walong laban, walang naging talo ang Pilipinas.

Malaki ang naiambag ni Dewarick Spencer na nakakuha ng 27 points at 9 rebounds habang mayroong 21 points at 7 rebounds si Mike Singletary.

Huling nakuha ng Pilipinas ang titulo noong 2012 nang pangunahan ito ng Gilas Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.