AFP handa na sa pagpapatuloy ng operasyon kontra NPA

By Alvin Barcelona July 30, 2016 - 08:03 PM

AFP
Inquirer file photo

Handa ang Armed Forces of the Philippines na ipatupad ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang idineklara nitong pagpapatigil sa military operations kontra sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ay matapos na hindi makatanggap si Pangulong Duterte ng paliwanag mula sa pamunuan ng komunistang rebelde tungkol sa pananambang nito sa mga kagawad ng CAFGU at military sa bayan ng Kapalong sa Davao del Norte sa itinakda nitong deadline kaninang alas singko ng hapon.

Ayon kay AFP spokesman B/Gen Resty Padilla, inihahanda na nila ang draft ng kanilang mensahe sa lahat ng kanilang puwersa mula Luzon hanggang Mindanao para sa pagbabalik ng normal nilang operasyon kontra sa rebeldeng grupo.

Nagpahayag din si Padilla ng kahandaan na pumasok sa proactive operation para tugising muli ang mga elemento ng New People’s Army na nanggugulo sa mga komunidad.

TAGS: AFP, Ceasefire, duterte, NPA, AFP, Ceasefire, duterte, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.