Bagyong Carina lalong lumakas

By Alvin Barcelona July 30, 2016 - 06:03 PM

Carina
Pagasa

Alas singko ng hapon kanina ay itinaas na ng PAGASA ang tropical depression na Carina bilang isang ganap na tropical storm.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldzar Aurelio, lumakas ang taglay nitong hangin sa 65 kilometer per hour at pagbugso na 80 kilometer per hour.

Wala aniyang direktang epekto ang bagyong Carina sa Metro Manila pero paiigtinging nito ang hanging habagat.

Ang bagyo ay inaasahang magla-landfall sa Cagayan bukas ng gabi at lalabas ng Philippine Area of Responsibilities sa Lunes ng gabi.

Nakataas ang signal no. 2 sa Isabela habang signal no.1 sa Cagayan kabilang ang Babuyan group of  islands, Apayao, Ilocos Norte, Aurora, Camarines Sur, Sorsogon at Northern Samar.

Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA ay inalis na rin ang storm signal sa ibabaw ng Samar.

TAGS: carina, pagasa, Typhoon, carina, pagasa, Typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.