Duterte bumuwelta sa mga kritiko ng con-ass

By Chona Yu July 30, 2016 - 05:31 PM

duterte01
Inquirer file photo

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kontra sa panukalang Constituent Assembly  para mabago ang porma ng kasalukuyang gobyerno patungong federalism.

Ayon sa pangulo, mayroon siyang tiwala sa mga mambabatas at sinigurong hindi lamang sa kapakanan ng mga mambabatas ang mangingibbabaw sa con-ass.

Paliwanag ni Duterte, napakadaling magsalita at mistulang sila lang ang magaling ang mga nag-aakusang magnanakaw ang mga mambabatas na uupo sa con-ass.

Iginiit pa ni Duterte na naroon naman siya para bantayan ang con-ass at hindi niya papayagang babastusin ng mga mambabatas ang Saligang Batas.

dagdag ng pangulo, makakaasa ang taumbayan na maka-Filipino, napapanahon at pakikinabangan ng sambayanan ng bagong Konstitusyon.

TAGS: con ass, duterte, federalism, con ass, duterte, federalism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.