Dagdag na drug personalities sa NCR ikinanta ng mga nahuling pusher

By Den Macaranas July 30, 2016 - 11:55 AM

dela rosa Drugs1
Inquirer file photo

Isang big time drug group na nag-ooperate sa Metro Manila ang nasa likod ng P50 Million na halaga ng shabu na nasabat ng mga pulis kahapon sa Pasig City.

Sinabi ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa na madali na nilang malalambat ang mga big time drug traders sa likod ng grupo makaraan nilang mahuli ang tatlo sa kanilang mga pushers sa isinagawang entrapment operations ng PNP.

Nakuha sa mga suspek na sina Saadodin Badron, 26-anyos, tubong marawi City, Sukarno Bansil at Mahatir Malaco ang mahigit sa walong kilo ng shabu na may street value na P50 Million.

Nahuli ang mga suspek sa isang entrapment operations sa Amang Rodriguez Ave. sa Pasig City.

Ikinanta na umano ng mga ito ang mga lider ng kanilang grupo pati na rin ang kanilang mga protektor kaya magiging madali na lang sa PNP ang pagdurog sa grupo.

Muling inulit ni dela Rosa na wala silang sisinuhin at lahat ay kanilang sasagasaan sa kanilang kampanya kontra droga.

TAGS: dela rosa, Illegal Drugs, PNP, dela rosa, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.