Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na dismayado siya sa Communist Party of the Philippines – New People’s Party dahil sa ginawang pag-ambush sa mga tauhan ng Cafgu kahit nagdeklara na sila ng ceasefire bilang bahagi ng pagbuhay sa peace process.
Sinabi ni Duterte na huling palugit na ang ibinigay niyang 5PM deadline ngayong araw ng Sabado para magbigay ng matinong paliwanag ang NPA kung bakit nila tinambangan ang mga tauhan ng Cafgu sa Davao del Norte.
Kapag hindi umano tumugon ang mga rebelde sa palugit na ito ay muling sisimulan ng gobyerno ang opensiba laban sa makakaliwang grupo.
Nauna nang naglabas ng pahayag ang CPP-NPA kung saan ay kanilang sinabi na dumipensa lamang ang kanilang tropa sa ginawang paglusob sa kanilang ng mga tauhan ng 7th Infantry Division ng Philippine Army at Cafgu sa bayan ng Kapalong.
Sinabi rin ni CPP-NPA founding Chairman Jose Maria Sison na handa silang bumalik sa peace talk.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.